Posts tagged "she says"
Pagiging mapaghinala nating mga girls
Kahit sabihin nating nature na natin ‘to at di maiiwasan. Ganun din ung mga mahal natin. Kung tayo nga di natin maiwasan, sila pa kaya!! Di ring maiiwasan ng mga BFs natin na mainis, mapikon, masakal or worst magsawa. Ikaw ang dahilan kung baket naging ganun siya. Aminado naman din ako, mapaghinala ako, selosa rin ako eh, hindi kasi natin ‘to maiiwasan, pero narealized ko mas maganda pala, habang mas maaga pa, na bawas-bawasan natin ung ugaling ‘to na meron tayo. Maganda sa isang relasyon ung may tiwala ka sa mahal mo. Tanging Tiwala lang naman ang hinihingi satin ng mga mahal natin diba? Kaya kung maaari, ibigay mo, ibigay natin un sa kanila ng buong-buo at walang halong pag-aalinlangan. Kung mahal mo talaga siya, hindi ka dapat manghinala sa kanya. KASI BAKA SA HULI, PAGSISIHAN MO ANG MANGYAYARI. Tandaan mo, hinding-hindi mo na pwedeng maibalik ang nakaraan.
Source: (shirirul0ve)Nakakatawa lang ung…
mga nagkainlaban sa mga Social Networking Sites. IDK. Pero ayun nga, tanong ko lang, HOW CAN YOU SAY THE MAGIC WORDS (I LOVE YOU) dun sa sinasabi mong MAHAL mo, kung hindi mo pa siya nakikita in person. Ni hindi mo nga siya kilala or nakakasama personally eh. In short, wala pa kayong intact sa isa’t-isa.
Payo ko lang, before ka magsalita ng I LOVE YOU sa tao, kung isa ka man sa mga taong na inlove thru Social Networking Sites (Facebook, Tumblr, Myspace, Twitter, etc.). Magkita muna kayo, get to know each other first. Then, saka mo pakiramdaman ung sarili mo pag nagkita kayo, andun ba ung magic? andun ba ung spark? nung time na magkasama at magkita kayo.
Hindi talaga ako naniniwala sa Cyber/Virtual Love, pero Cyber/Virtual Infatuation maari pa. :) Opinion ko lang po. Pero if kung ano ung paniniwalaan nyo, okay, I respect that. May kanya-kanyang opinion tayo at pag-iisip.
Hindi ako makatulog ngayon kaya naisip ko lang magpost. Andami ko kasing nakikitang mga may karelasyon ngayon sa Cyber world lalo na dito sa Tumblr. Lels. Marami pa akong gustong sabihin, pero ayoko ng pahabain pa. Natutunan ko lang din to kay Papa Jack, isa rin siya sa against sa ganitong relationship. Goodnight!




